Hambog Ng Sagpro Krew-Alaala Nalang Ft. LUN (Lyrics)

  • Share
    Share Video

  • Add
  • More
    Report this video as:
0 0
You have already voted for this video.
LIKE AND VISIT MY PAGE FOR MORE SONGS (HAMBOG) http://www.facebook.com/home.php#!/pages/Hambog-Ng-Sagpro-Kr...
LIKE AND VISIT MY PAGE FOR MORE SONGS (HAMBOG) http://www.facebook.com/home.php#!/pages/Hambog-Ng-Sagpro-Krew/102228889865836 FOLLOW ME ON FACEBOOK (HAMBOG) http://www.facebook.com/pages/Hambog-Ng-Sagpro-Krew/102228889865836?ref=ts 1st Verse: Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at may kapal Alam ko din ako'y magtatagal sa lugar na to Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon Tayo ay di magkikita makakaya ko ba yon Sa tingin ko hinde hindi ko kaya Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka Wala ka na dito sa aking tabi kaya di na mapigil ang luha Gusto kitang makapiling mayakap mahalikan yun lang di ko pa makuha Dahil ilang kilometro at milya ang ating distansya at ating pagitan Pangungulila ko sa iyo yan ang resulta ng aking biglaang paglisan Di ito madali para sayo ngunit mas hindi madali to para sakin At alam kong hindi tayo magkakalapet kahit sa isang libong dalangin Nadadama ang lungkot at puot hinagpis at ang pagkabigo at pasakit Ngunit gaano ka man kalayo saking puso palagi ka ditong malapit CHORUS: Inisip ko kung bakit ganito ang langit Nilayo ako sayo Hindi ko matanggap mahirap magpanggap Na ako'y hindi bigo ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako 2nd verse: Binibilang ang mga araw hanggang saking pagalis Habang palapit ng palapit lalo akong nagtitiis At tinatago ang namumuong lungkot saking damdamin Di mo lang alam di ko na kaya di ko lang maamin Dahil sabi mo sa akin masaya ka para sakin Di mo lang alam ako'y nalulungkot na para satin Dahil tayo'y magkakalayo ng walang kalaban laban Ang masakit pa doon kung kelan pa tayo nagmamahalan Nagmahalan tayong dalawa ngunit bakit ito naging plano Ng kapalarang naging malupet ako'y inilayo sayo ng eroplano Habang ako'y nasa himpapawid ako'y nakatingin sa mga alapaap At iniisip na sa alaala nalang ba kita muling makakayakap At sa gabi nakatitig sa mga larawan na katabi ko saking kama Nakatingin at tinatanong dito na lamang ba tayo magkakasama Nasa malayo na ang aking katawang tao at parang pinipilas Dahil puso ko'y naiwan jan sayo sa Pilipinas Repeat Chorus: 3rd Verse: Ang pilitin kong limutin na sa buhay ko'y wala sya Ay parang pilit sinusuot singsing na hindi kasya Dahil habang pinipilt mas sumasakit ng todo Kaya buhay ko ay parang musikang wala sa tono Di ba pwede naman magsama ang nagmamahalan Di ba pwede naman wala na din ang hiwalayan Di ba pwede naman sa pagibig walang hadlang At pwede ba sya ay ibalik nalang Walang matarik na bundok walang karagatang malalim Na aking tatawirin maibalik ka lang sa akin Dahilan kung bat nabuhay sakin ang pagkasawi Ay ang pagibig nating tamang nasa oras na mali At sana wag mo palitan jaan sa puso mo pangalan Ng lalake na nagsabe na "mahal kita paalam At magingat palage" noong aalis na sya At higit sa lahat "Mamimiss kita" Repeat Chorus 4th Verse: Paano na ko mamumuhay nito kung sa piling ko ay nawala Ang nagiisang minahal ko makasama ko sya ay isa nalang bang himala Alam ko na sa oras na to ay nakikinig kang pinipigil mo ang pagiyak Sige ilabas mo wag pigilin ang emosyon ng iyong puso na nagkabiyak Dahil ang alaala nating dalawa ay nagiwan ng sugat na nakamarka Sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nalayo ang tao na mahal ka At kung minsan naisip ko din na wag nang ituloy itong nagawa ko na kanta Dahil malamang pag narinig ko ito sigurado na maaalala kita Pero kahit pilitin umiwas sa sitwasyon naten ay kusang bumabalik ang Mga nakaraan kaya titulo ng kanta ko ngayon ay alaala nalang Dahil sa alaala nalang umiikot ang aking isipan na nalilito At prisensya ng pagmamahal mo sa akin ay dala ko lagi at naririto HIndi man kita nabigyan ng materyal pero di mo alam may iniwan ako Ito ang isang bagay na di maluluma yun ay ang pagmamahal ko sa iyo Sana pagkaingatan mo yan hanggang sa oras na ikaw ay muli kong balikan Dahil ipinangako di na ko iibig sa puso ko di ka mapapalitan Repeat chorus
Categories:
Related