Mano Po 3 [18+]

By: regalcinema

2,466 views

Uploaded on November 20, 2008 by regalcinema Powered by YouTube

Si Lilia Chiong (Vilma Santos) ay isang sikat na Chinese crusader against crime and violence. Ipinamigay siya ng kanyang ina (Amy Austria) kay Melencio (Allan Paule/ Eddie Garica) matapos itong ipanganak sa China upang maiiwas siya sa kapahamakan. Napadpad sa Pilipinas ang pamilya ni Melencio kasama si Lilia kung saan sila nanirahan. Inilihim kay Lilia ang katotohanan hanggang sa siya ay magdalaga (Angelica Panganiban). Naging matalik na kaibigan at kapwa aktibista ni Lilia sina Michael (Carlo Aquino/ Christopher de Leon) at Paul (John Pratts/ Jay Manalo) na parehong may pagtingin sa kanya. Si Michael ang naging kasintahan ni Lilia ngunit pinaghiwalay sila ng mga pangyayari sa Martial Law. Si Paul ang nakatuluyan ni Lilia sa pag-aakalang hindi na sila magkikita pang muli ni Michael. Makalipas ang 25 taon, muling nag-krus ang landas nina Lilia at Michael sa Bangkok. Napatunayan nilang hindi nagbago ang pagtingin nila sa isa't-isa. Dito nagsimulang timbangin ni Lilia ng kanyang damdamin kasabay ang pagkaungkat ng maraming lihim na itinago ng matagal na panahon.

Walang bagong inihain ang Mano Po 3 kung ikukumpara sa dalawang naunang Mano Po. Walang anuman sa Mano Po 3 ang natatanging Tsino. Ang pagiging Tsino ng mga tauhan ay pawang nagkataon lamang at hindi gaanong nagbigay bigat sa kuwento. Ang kuwento ni Lilia, Michael at Paul ay maaaring mangyari kahit kanino at kahit hindi sila mga Tsino, parehas din ang magiging takbo ng pelikula. Maging sa pag-arte ng mga pangunahing tauhan ay walang bago. Naging palamuti lamang ang karamihan sa mga tauhan at hindi sila nagkaroon ng malaking halaga sa istorya. Marami ring sablay sa aspetong teknikal gaya ng halatadong agwat ng edad ni Vilma Santos at Jay Manalo. Bagama't ipinilit gawing Tsino ang kuwento, at sa kabila ng lahat ng butas, naging maayos naman ang daloy ng damdamin sa pelikula at madaling masundan ang punto ng istorya.

Kahanga-hanga ang ipinakitang pagpapahalaga ng pelikula sa pamilya at pag-aasawa. Naging matindi ang pagtatalo ng damdamin ni Lilia kung ano at sino ang pipiliin ngunit hindi pa rin siya nagpadala sa bugso nito hanggang sa huli. Nagawa niyang gawin at piliin kung ano ang tama at hindi sa kung ano ang magpapasaya sa kanya. Ipinakita rin sa Mano Po 3 na maaaring magtagumpay sa buhay ang sinuman maging anupaman ang kanilang nakaraan at pinanggalingan. Sa kabila ng pagpapahalaga ng mga Tsino sa angkan, ipinakita sa pelikula na wala sa dugo kung minsan ang pagmamahal. Sa mas madalas na pagkakataon, sinabi ng Mano Po 3 na ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal ay pagsasakrisyo at pagpaparaya. Kailanman, hindi pagmamahal ang pagiging makasarili. Kung ang mga ito man ay natatangi sa mga Tsino o Tsinoy, dapat itong pulutin at isabuhay ng mga purong Pilipino.

Tags:
Vilma, Santos, Christopher, De, Leon, Eddie, Garcia, Sheryl, Cruz, Boots, Anson-Roa, Angelica, Panganiban, Carlo, Aquino, Patric, Entertainment
Comments on Mano Po 3

RECOMMENDED CHANNELS