Gagong Rapper - Di Pwede [18+]

By: ShamrocksPinoy

184 views

Uploaded on October 14, 2008 by ShamrocksPinoy Powered by YouTube

Sadya bang ganito
talaga, ang buhay sa mundo
ang hirap gusto kong sumaya
di pwedeng magmamahal nang wagas
di pwede...


Nang umibig saiyo alam kong mali
ngunit hindi ko inakalang ganito ang mangyayari
lalong gumulo tayo'y naging malabo
sa sulsol nang ipapilit tayong pinaglalayo
parang gustong sumuko
ngunit sadyang mahal kita
kaso nga lang marami sa'tin ang pro-mo-protesta
mali ba ako kung ikaw ang pipiliin
ako'y nalilito di ko alam ang gagawin
sadya bang hindi pwede na tayong dalawa
sa ating mundo bakit nakikisali sila
kahit ikaw dinidikta marami ang humahadlang
kung sakaling hindi pa ngayon ako'y maghihintay nalang

Can you feel my love is all about you gurl
mga hadlang na dami damn is everywhere
wag nang makipagtagpo
tayo'y pinaglayo
hindi raw nababagay ang katulad ko sayo
pero wala akong paki ano man sabihin nila
kahit sabihin nila na lolokohin lang kita
mali sila mahal kita
at yan ang totoo
kahit na ang mga tao sa'kin ay hindi boto
anong magagawa ko
sinusunod ko lang naman
ang tunay ko na nararamdaman
at kahit pa man pag tingin mo ay magbago
mamahalin pa rin kita at di ko itatago

[chorus]


Sa saglit na panahon madali mo akong napahulog
ikaw ang gumising sa puso kong natutulog
pero anong nangyari ang bilis mo naman magbago
may kalandian ka na sa akin ay tinago
ikaw pa ang may ganang magalit at magmura
pero bakit pangalan mo sa puso di na mabura
balik ka na mahal ayaw ko nang malungkot
tigas na puso mong bato sana naman lumambot
kailangan ba talaga na ako sayo ay magparaya
para puso mong kulong ay maging malaya
pero sa piling ng iba pag di ka naging masaya
ang pangako ko lang ay babawiin kita

Nakikita na kita
palapit sa aking mga mata
nadarama ko na para bang natupad na himala (ah)
ngunit bakit habang tayo ay magtatagpo
parang tayo nasa magka magkaibang ibayo
nandyan ka na bakit tila para bang malayo
kailangan ko pa bang dumayo harapin ang bagyo
habang ako ay lumalapit pilit na kumakapit
subalit kahit na mahigpit ang aking kapit
dumudulas pa rin ang palad mo
sabay patak ng luha sa pagbitaw mo
gumuho ang aking mundo sa pagtalikod mo
sa pag-iwas mo, sa pagitan ko sayo (sayo....)

[chorus]


ano ba 'to
parang panaginip pag bigla ka na lang binangungot
ako'y bigla na lang iniwanan at ako'y iyong nilimot
di ko akalain sa akin yan magagawa mo
ba't ako bang lalaki di pwedeng mahalin ang katulad mo
ano bang masama ang aking nagawa
pag mulat ng aking mata
liham mo na lang aking nakita
tanging nilalaman paalamanan at mga hadlang
kaya ba di pwede magsama hanggang huling hantungan
pero kahit ganun meron pa rin nagmamahal
kahit mabigat aking problema di kayang magpatiwakal
dahil ayoko ko lang makita tumulo ang iyong luha
tulad nang pagpatak ng luha ko sa'king mata
(sa'king mata)

Why can't you love me back
pagkakait ng yong pag-ibig tinatak
sa aking utak kahit umiyak
ay di pa rin pu-pwede
kahit anong gawin sabi mo di yan mangyayari
kasalanan ko ba na ikaw ay mahalin
kung tutuusin pinaglaruan aking damdamin
kahit ganun pa man ay umaasa pa rin ako
na ang pag-ibig na ito magkakatotoo
at di na ganito na hindi ko alam
kung bakit pag-ibig mo di ko man lang mahiram
at paalam lang ang kaya mo lang masabi
damn baby when are you gonna love me!?

[chorus 2x]

Tags:
ShamrockPinoy, Gagong, Rappers, Di, Pwede, Dongalo, Wreckords, Pinoy, Filipino, Tagalog, Philippines, Rap, Hip Hop, Music & Dance
Comments on Gagong Rapper - Di Pwede

RECOMMENDED CHANNELS