International
Download here: http://www.4shared.com/file/121293996/42d1f1fd/ALL_STAR_LHIRIKOH_FAMILIA_ft_Mike_Kosa.html
All Star Lhirikoh Familia ft. Mike Kosa
JhoMajikero (part 1):
yoh! sisindihan ko na ang lamparang liwanang sa ming kuweba,
sumaksi buong madla pagkat sila ang aking pruweba,
musikang inilathala at aking nilimbag,
upang sa sining ng laro muli kong maiambag
ang payak na pagbugang hindi kailangang isigaw,
at dinig to ng lahat hindi binirit ang bitaw
na pangkaraniwang base sa panlasa ng Pinoy
kahit ang iba sa atin ay alipin ng Chinoy
narito aking pamilyang magbabago ng sistema
itatama ang mali, ibabalik natin sa tema
ang pormal na pag-atake sa harap ng entablado
walang hinalong mura, ang tugma ko ay timplado
ito ay balagtasang inihanay na sa duwelo
nag-ugat sa Mandaluyong, at namunga hanggang dulo
pakinggan ang mga sasambitin ng Lhirikoh
makikinig na naman sa amin sangkaterbang kritiko
Gatilyo:
sa pagbigkas ko ng pangalan ko na Randy at Gatilyo
tingin ko lang sayo mukhang tinutukan ng kutsilyo
dahil di ka mananalo sa aking lakas
kahit saan ka magpunta Lhirikoh ang batas
di ba dapat sa pagbitaw pulidong letra ang sigaw
kasi baka matunaw kang parang lusaw na palitaw
haluin mong mabuti yan kulang pa yan sa gawgaw
bakit ganyan ang pantalon parang bitin sa lawlaw
wag kang mangarap uy ungas, wala ka pa sa kahalati
sa mura kong edad lahat sa akin bumabati
hindi ako sikat pero akoy may ebidensya
utak pinapagana, ang rap aking lisensiya
baka hindi ka na muling tubuan pa ng pakpak
ginamit mo sa paglipad nung ikaw ay lumagpak
"wagapak" ang narinig ko, nadurog ang buto
nahulog ka sa Lhirikoh na dumudurog ng bato
Radikal:
sa paglabas sa publiko pangalan ko'y hindi matinag
ako si Radikal ng Lhirikoh taga-Panatag
isinilang sa Mandaluyong at dito itinakda
ang kapalaran ko na siyang tadhana na ang may-akda
sinong nagsabi dyan may bago siyang mga bokabolaryo
lahat ng yan pare wala sa aking diksyunaryo
wag kang mangarap makapunta sa Amerika
kulang ka pa sa pambara mag-aral ng retorika
para madagdagan naman nalalaman ng iyong utak
bitaw mo patapon daig ka pa ng nakabatak
sinong guro mo at bakit hindi ka natututo
mag-aral ka naman wag kang tumambay dyan sa kanto
hindi mo pa kilala kung pano ako humatol
kaya sa mga Lhirikoh ay wag ka nang humabol
isang daang porsyento sing lupit ng kabalyero
ngayon tikman mo ang bagsik ng isang batang inhinyero
Insolent One:
kapag ako bumibitaw, lahat sila napapahiyaw
napapasabay sa bawat pagkumpas at aking pagsigaw
at ikaw na nagsasabi na wala akong talento
siyentipiko ako, makinig sa naimbento
diskriminasyon ka hindi ka na dapat tularan
taas ng yong lipad at kami pa ang kinalaban
hindi mo makukuha ang premyo sa paangasan
at di ka mananalo pagdating sa balagtasan
nagkalasan, kayong lahat nang marinig ako
ako si Insolent One bubuwag sa grupo nyo
gamit pinaghusayang salita mula sa pambira
lahat kayo ay uubusin at walang itititra
mag-angas ka sa min kung meron ka nang pagyayabang
ako yung baguhan na dapat saluduhan at igalang
wag kang mag-rap ng ganyan kung ayaw mo na makapon
narinig ko awit nyo lahat iyan ay patapon
JhoMajikero (part 2):
yoh! heto na naman ang manlilimita, di mo malaman aking binuga,
mga pagbitaw mo na puro palya walang inatupag kundi mambalya
gamit ang brasong pinuno mo ng mga dugyot mong tato
ang sayo'y hinliliit, ang akin ay hinlalato
ako ang mandirigmang manglilipol ng tanga
sige lumapit kang kaunti at sapul ang yong ang panga
dapat sayo tinutumba, iwanan kang nakanganga
ilalambitin ka sa mataas naming sanga
lahat ng binitawan ko na liriko'y eksakto,
at singbigat ng litro coke sa inyo lang ay sakto,
kami ang mga bagong lalabag ng yong batas,
kami ang syang papasok at kayo ang lalabas
kundi mo trip pakinggan ang all star sa pag-atake
uwi ka ng bisaya magtanim ka ng kamote
kami'y pinalakas upang lumawak ang balwarte
tabing lahat kayo at bawal dito ang maarte
Mike Kosa:
ah! isang puganteng kriminal na kung gumalaw ay propesyonal
isang talino ng makatang masasabing orihinal
mula pagsulat ng tula, pagkanta, at pagtanggal
ng ilang kalaban ko kapag ako ang nagtanghal
sa entablado na aking itinuturing na palasyo
pinagharian ang tunog at musikang aking binisyo
isang salita na mag-mamarka dito sa kasaysayan
na ang karangalan ay sadyang itinalaga sa king pangalan
bibitbitin sa mahabang panahong pamamalagi
na di mabilang at masukat ang aking naibahagi
na pang-hawakan ang talento na aking tinataglay
upang mapaabot sa lahat ng taga-subaybay
na meron pang natitira, meron pang humihinga
na makatang may pangarap na di pwedeng ikansela
sabihin mo sa'kin kung lahat ng to ay di totoo
Mike Kosa ang responsable at Pamilyang Lhirikoh
Shoot from the studio of Repablikan and Lhirikoh Family Production
tbs ba sila
By ryanyu59 [Affiliate User] 1246440647 Reply Spam [+0] Moderate Up Moderate Down Removeidol ko kau ang galing ng mga rap nyo?
mas mga gago ang tst takbo susu titi
tbs 13 cavite chapter lil_gangz
idol ko kau ang galing ng mga rap nyo?
mas mga gago ang tst takbo susu titi
tbs 13 cavite chapter lil_gangz
ang lupet ng bitaw nun ang lalalim talaga ng tagalog ha! pwede ng makata hindi parin nawawala ang kultura ng pilipino sa atin kaya more rap pa uli para kahit na nawala si king of raper maraming tutulad sa kanya. nice 01 all stAR
By snipe01ful [Affiliate User] 1246430722 Reply Spam [+0] Moderate Up Moderate Down Removemga putang ina nyo mga TBS!!!!!
By dadhetotz [Affiliate User] 1246415826 Reply Spam [+0] Moderate Up Moderate Down RemoveRated 4.23 | 8,050 Views
Affiliate Submitter: krazykyletv
Rated 4.20 | 1,492 Views
Affiliate Submitter: krazykyletv
Rated 3.60 | 143 Views
Affiliate Submitter: a5a4a3a2a1
Anonym All Stars, by Balint Barsony and Ba...lazs Bolyki
Rated 3.25 | 360 Views
Rated 2.75 | 21 Views
All Star Cover by Mike And Rickard
Rated 0.00 | 121 Views
By Shilovatt
You Deserve a Great Coach In Global Resort...s Network - Mike Hobbs
Rated 0.00 | 55 Views
By mchcashflow
MTV Pimp My Ride (Parody) Jcubedproductions
Rated 3.51 | 321 Views
Affiliate Submitter: Lax1900
Star Screen Awards 2009 Part 18-Total Boll...ywood Entertainment@ Bollywoodtree.blogspotcom
Rated 3.52 | 208 Views
Affiliate Submitter: 1HitHollyBollyMovies
Sa Araw Ng Pasko - All Star Cast
Rated 2.75 | 448 Views
By ZICARLOS
Performance Lapiz & Chichilo En Atento A M...i All Star La Pelicula
Rated 0.00 | 243 Views
By ZICARLOS
MIT Mike Aponte, MIT Blackjack Team
Rated 2.99 | 425 Views
By ClubUBT
Mike Hobbs Video Report: 3 Deadly Business...Mistakes To Avoid
Rated 1.00 | 65 Views
By mchcashflow
MTV Reality TV Star Killed in Car Crash
Rated 2.91 | 2,930 Views
Affiliate Submitter: IndependentFeatures
Supermodel, Pop Star and Diva, Karina Brad...ley's Major Photo and Video Shoot in Philadelphia
Rated 3.37 | 2,439 Views
Rated 2.59 | 534 Views