Darating Ka Din (High Quality) - Lux, Vlync, Dhonmez, Slick One & Curse One Feat. Aprhyl

By: MixtapeAlbums18

5,173 views

Uploaded on November 27, 2012 by MixtapeAlbums18 Powered by YouTube

DISC 1 - Track #2 Darating Ka Din (High Quality)
Lux, Vlync, Dhonmez, Slick One & Curse One feat. Aprhyl
From the album " Breezy Boyz Meet Breezy Girlz "

For high quality audio, please buy the original C.D.
only at Lux HipHop Apparel 2nd Floor Yellowlane, Victorymall, Monumento.


Official Lyrics

1st Verse: Lux

Pagkatapos ng ulan, kasunod ng pagsikat ng araw
ang tubig sa batis malinaw, hindi masalim gumugunaw
ng mundo, alam kong pinapaikot ng husto,
yan ang dahilan kung bat nahulog sayo.
Ni minsan hindi sumagi sa isip kung meron bang panaginip
na salungat sa pag-ihip ng hangin, sinisilip
ang bukas na kasama, pinagsama, tinadhana, tinakda na,
pinagpala, mahiwaga, ginambala ng mga anghel at pinana
ang puso tila ba'y tagusan, abot hanggang langit lubusan
kong pinagpapasalamat at mamahalin ka nang walang hanggan
sumpaang ikaw lamang ang
magdidilig ng pusong natuyo dahil sa init ng nakaraan.
Pangako ko sabay tayong tatanda,
mangangarap at susulat ng akda
na minsan may tunay na pag-ibig na ibinigay
hanggang sa araw na malagutan ng hininga, hawak kamay, hawak kamay...

Chorus: Aprhyl

Darating Ka Din hindi ko man hintayin
ang araw na yon, alam kong tinadhana
tayong dalawa, alam kong tinakda na.
Darating Ka Din hindi ko man hintayin
at kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako
pa rin ang magsasama sa dulo...

2nd Verse: Vlync

Darating Ka Din, alam kong hindi mo ko kayang biguin,
isigaw mong ikaw ay atat na din
na ako'y makapiling, makasiping at sasabihin mo rin sakin
pag nakita na tayo muntik ng maubusan ng hangin
na dumadaloy dyan sa puso mong laging
hinahanap ang kanyang kabiyak.
Ganyan na ganyan din ang
pakiramdam ko, nakakabuang
kakahintay kahit na alam kong Darating Ka Rin.
Hindi mapigilan ang puso ko'y nagsusumamo
hahanapin kita san man dako.
Hindi na makapaghintay
na ikaw ay ibigay sakin ng langit...

Chorus: Aprhyl

Darating Ka Din hindi ko man hintayin
ang araw na yon, alam kong tinadhana
tayong dalawa, alam kong tinakda na.
Darating Ka Din hindi ko man hintayin
at kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako
pa rin ang magsasama sa dulo...

3rd Verse: Dhonmez

Hey, nakatingin lang ako sa kalangitan
kasabay ng paghiling ko sa talang ako'y pagbigyan
makasama ang babaeng matagal ko nang pinangarap
makayakap, mahagkan, matagal ng hinahanap-hanap.
Mahirapan man ako sa una'y kakayanin ko
basta alam ko san patungo tanging dyan sa puso mo
naghihintay sa pagdating dalawang kamay ko'y naka-unat
handang yakapin ng mahigpit, sopresa ko sayong gugulat.
At buksan ang 'yong mata't isipin mo ako
na may nagmamahal sayong tunay, tapat at totoo
hindi mahihigitan ng kahit na sino
malamang ipagtanggol pa kita kahit kanino.
Palagi kong dalangin sa Diyos ay tanging ikaw
kahit sa pagtulog kung pwede ko lang isigaw,
iniisip ko araw-araw, Darating Ka Rin
hindi man ngayon pero alam ko Darating Ka Rin, diba...

Chorus: Aprhyl

Darating Ka Din hindi ko man hintayin
ang araw na yon, alam kong tinadhana
tayong dalawa, alam kong tinakda na.
Darating Ka Din hindi ko man hintayin
at kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako
pa rin ang magsasama sa dulo...

4th Verse: Slick One

Sa pagdating ng panahon, hindi ko man hintayin ka
at magbalik dating kislap sa mata,
ngiti saking mga labi,
kagalaka'y hindi kunwari. (hindi kunwari)
Kung darating man ang sandaling
huminto ang oras ikaw at ako ang natira
mahahanap kita (mahahanap kita)
sa kalye na nagdurugtong sating
dalawa, simula nung unang buhay kang nakilala.
Marahil, ikaw ang paru-paro na dumadapo sa akin,
Darating Ka Rin hindi ko man hintayin
may dahilan bawat bagay at hindi nagmamadali
na makapiling ka, Darating Ka Rin sa tamang panahon na...

Chorus: Aprhyl

Darating Ka Din hindi ko man hintayin
ang araw na yon, alam kong tinadhana
tayong dalawa, alam kong tinakda na.
Darating Ka Din hindi ko man hintayin
at kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako (ikaw at ako)
pa rin ang magsasama sa dulo...

5th Verse: Curse One

Tanging nais ko lang ay mahalin ka, mahalin ka,
mahalin ka, mahalin ka tapos dadalhin ka
sa kahit saan pang simbahan
pagkat ikaw ang nagsilbing ilaw ng ako ay naligaw noon,
hindi ka bumitaw sa pangako na kala ko'y natapon
kasabay ng mga luhang naidulot ko sayo.
Ngunit kahit ga'no man tayo katagal nagkahiwalay
ikaw at ako pa rin kahit tangayin man ng hangin
ang mga salitang binitawan natin non
na ngayon nagpapatunay na may tamang panahon at tayo yon.
Dalawang pusong itinakda upang maging isa
hindi na kailangan pang mangamba
pagkat walang balakid na pwedeng humarang laban sa
pagmamahalan natin.
Magkasalo tayo sa pagmamahal,
tayo man ay nasa langit na...

Chorus: Aprhyl

Darating Ka Din hindi ko man hintayin
ang araw na yon, alam kong tinadhana
tayong dalawa, alam kong tinakda na.
Darating Ka Din hindi ko man hintayin
at kahit ano man ang mangyari, ikaw at ako
pa rin ang magsasama sa dulo...

Tags:
Music & Dance
Comments on Darating Ka Din (High Quality) - Lux, Vlync, Dhonmez, Slick One & Curse One Feat. Aprhyl

RECOMMENDED CHANNELS