Loonie - Tao Lang (Unofficial) Lyrics on Description

  • Share
    Share Video

  • Add
  • More
    Report this video as:
0 0
You have already voted for this video.
Artist: Loonie feat. Quest Song: Tao Lang Album: I Am Normal Produced By: Klumcee Recorded, Mixed and Maste...
Artist: Loonie feat. Quest Song: Tao Lang Album: I Am Normal Produced By: Klumcee Recorded, Mixed and Mastered By: Bojam Written By: Marlon Peroramas Verse One: Loonie Parinig naman ng rap mo! sample naman d'yan Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan Ang yabang mo naman! wala ka bang kanta na bago? Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo? Ha? Paulit-ulit ang tanong ng mga tao Wag sanang apurado, anong magagawa ko? Wala akong maisip, masyado pang mainit Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula Laging puyat! Nagkalat ang papel na nilamukos Andame ng kapeng ipinautos Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos Isang patak na lang pero aking ibubuhos Hook: Quest Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang Loonie+Quest: Pasensya na, tao lang Verse Two: Loonie Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda Lumakad humakbang hanggang sa madapa Wag kang mawawalan ng pag-asa, wag kang madadala Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad Kaya wag kang matakot magkamali Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali Yan ang sabi sa akin ng aking itay Na pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay hindi nasusunod Ayoko ng sumali, gusto kong manuod Minsan wala ng gana, ayoko ng magrap Kase akala ko dati, alam ko na lahat Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis Hook: Quest Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang Loonie+Quest: Pasensya na, tao lang Verse Three: Pero di ba tao ka lang din, hindi mo ba napansin? Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin Kahit planuhin mong mabuti, bakit ganun pa din? Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran Marami kang detalye na makakaligtaan Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang g'anong alam Ano magagawa mo? Tao ka lang Napapagod, natatakot, naiinip Natatawa, nagtataka, naiinggit Nangangawit, nagagalit, nabibigla Nalulungkot, nauutot, nahihiya Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya Nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na Hook: Quest Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang Loonie+Quest: Pasensya na, tao lang Pasensya na, sorry naman Kung pwede lang sanang isoli na lang Pasensya na
Categories:
Related